Mayor Margie Moran Aguinillo Ng Buhi, Camarines May Alinlangan Sa Muling Operasyon Ng Provincial Bus

0
152

Iriga City — Nagpahayag ng pag alinlangan si Mayor Margie Aguinillo ng Buhi, Camarines Sur sa pagbabalik operasyon ng provincial buses simula bukas.

Ayon sa opisyal kailangan muna ang malinaw na patakaran dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga locally stranded individual (LSI) at ROFW na nais ng makauwi sa kanilang pamilya.

Ayon pa kay Aguinillo, kung di rin mapipigilan an balik operasyon ng mga provincial bus ang kaniyang paki-usap na ang lahat ng papasakayin ay yong may negative swab test resulta lamang upang di na makadagdag sa inaalala ng mga local na pamahalaan.

Lininaw pa ng opisyal na gusto rin niyang makauwi na ang mga LSI mula sa kanyang bayan subalit kailangan maseguro na di sila magiging carrier ng sakit na Covid-19.
(OIC Melvin F. Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: LGU – Buhi)

Leave a Reply