Baguio City – Ang lokal na gobyerno ng Baguio ay nag-iisip pa ng maraming hakbang para sa pagtitipid ng tubig sa gitna ng inaasahang paghaba ng tagtuyot. Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na naghahanda na ang lungsod ng Baguio sa paghaba ng tagtuyot hanggang Hunyo ngayong taon.
Anya, ito ay bilang paghahanda sa paglala dala ng tagtuyot. Sinabi ni Magalong na presyon ng tubig sa lungsod ay unti unti ng bumababa.
Kanyang hinikayat ang publiko na magsanay na ng pagtitipid ng tubig sa kanilang tahahan habang ang mga opisyal ng lungsod ay nakikipag-ugnayan na sa mga kinatawan ng Baguio Water District (BWD) na bumalangkas ng karagdagang hakbang upang makapagtipid ng tubig.
Isa sa mga hakbang ayon sa Ama ng Lungsod ay pag-hiling sa mga car wash establishments na gamitin lamang ang kinakailangang tubig sa paglilinis ng mga sasakyan kasama na riyan ang pagdidilig ng mga halamanan upang maiwasan ang pagkasayang ng tubig. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)
(Source: Baguio City Public Information Office)