31.1 C
Manila
Wednesday, February 21, 2024

Mayor Magalong hinikayat na magsagawa ng ecowaste collection sa lahat ng barangay sa Baguio city

- Advertisement -

Nagpalabas ng Memorandum Order No. 115, Series of 2023 si Mayor Benjamin Magalong sa pagsasagawa ng electronic-waste (e-waste) collection sa lahat ng mga barangay sa lungsod ng Baguio dahil sa lumalaking dami ng undisposed e-wastes at ang kakulangan ng safe disposal space na ang mga ito ay humahantong matinding epekto sa kalusugang pantao at sa kalikasan.

Initusan ni Magalong ang General Services Office sa ilalim ni ginoong Eugene Buyucan na magsagawa magtakda ng schedule na paghahakot ng basura na nagsimula noong 29 ng buwan ng Nobyembre hanggang sa 5 ng Disyembre ngayong taon. 

Dapat anya ang lahat ng mga barangays ay dapat maglagay na ng designate dropping and pick-up point para sa e-waste sa kanikanilang sakop sa pakikipagtulungan ng GSO at upang maipakalat ito sa lahat ng mga mamamayan gamit ang epektibo paraan ng kommunikasyon o media.

Ang kautusan ng City Mayor’s Office-Special Services Division sa pangunguna ni officer-in-charge Michelle Agbuya ay subaybayan na kung ang mga barangay ay sumusunod sa kautusan. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City PIO)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -