28.7 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Mayor Benjamin Magalong nanawagan sa mga taga Baguio sa paglilinis ng lungsod

- Advertisement -

Baguio City – Nalungkot si Mayor Benjamin Magalong sa kakaunting sumasamang taga lungsod ng Baguio at iba pang miyembro ng kommunidad sa mga isinasagawang clean up drives sa mga sapa, daan at gilid ng kalsada, mga parke at ng iba pa.

Kanyang pinapurihan ang mga barangay at mga taga-roon na gumagawa ng kanilang bahagi sa paglilinis at pagsasaayos ng Baguio Ngunit nananatiling kulang.

Ngunit naniniwala siya marami pa ang tutulong upang malinis ang kapaligiran hindi lamang para sa kalusugan at kaligtasan na rin ng ating mamamayan.

Anya, sana ang iba ay mahikayat na magbahagi naman ng kanilang lakas upang mapanatili ang kalinisan sa bawat sulok ng lungsod. (Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)

(Source: Baguio City Public Information Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -