Mayor Benjamin Magalong nabahala sa pagtaas ng insidente ng sunog sa lungsod ng Baguio

0
7
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Nagpahayag ng pagkabahala si Mayor Benjamin Magalong sa pagtaas ng insidente ng sunog sa lungsod ng Baguio. Kasabay nito, iniutos ni Magalong ang malawakang pagpapakalat ng impormasyon para mapahusay pa ang kamalayan ng mga taga Baguio sa pag iwas sa sunog.

Nagpaalala din ang alkalde sa publiko na manatiling mapagbantay sa panginib na dulot ng mga mapanirang sunog. Sa kaugnay na balita, iniulat ng Baguio City Fire Station nas ilalim ng pamamahala ni Fire Supt. Marisol Hernandez Odiver na sila ay nakapagtala ng 78 insidente ng sunog mula Enero a primero hanggang Septiyembre 19 ngayong taon.

Ang bilang ay nalagpasan pa ang naitalang kaso ng nakaraang taon na 67 kaso ng sunog. Tatlo ang namatay ngayong taon habang wala namang naiulat noong nakaraang taon.

Sa mga 78 insidente ng sunog ngayong taon, 16 ang nangyari noong Pebrero, 14 noong Marso, 11 noong Mayo, 10 noong Abril, tig wawalo bawat isa noong buwan ng Hulyo at Agusto, lima noong Enero at tatlo bawat isa noong Hunyo at Septiyembre.

May kabuang 41 insidente ng sunog ang likas na istruktura. Habang labing pito ang grass fire, 12 forest fire, anim ang nasunog na mga sasakyan, isang sunog sa basura at isang sunog electrical o post fire. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply