- Advertisement -
Buhi, Camarines Sur — Pinangunahan ni Mayor Margie Aguinillo ang pamamahagi ng reimbursement sa fertilizer ng 46 na magsasaka sa ilalim ng Rice Resiliency Program (RRP) ng Department of Agriculture (DA) ngayong araw.
Ang RRP ay isa sa maraming programa ng DA na ang layunin ay matulungan ang mga magsasaka sa pagbili ng mga pataba sa kanilang mga pananim na palay.
Ang program ay naging matagumpay dahil sa pagsisikap ng Office for Agricultural Services (OAS) sa pakikipagtulungan sa Regional Office 5 na pinamumunuan ni Director Rodel P. Tornilla.
(Source: LGU Buhi)
- Advertisement -