Maynilad sususpendihin rin ang pagpapadala ng mga meter readers sa mga kabahayan

0
16

Sususpendihin din ng Maynilad Water Services Inc. ang pagpapadala nila ng meter readers sa mga bahay-bahay.

Ito ay bunsod ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong rehiyon ng Luzon dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa inilabas na abiso ng Maynilad, binigyang diin nito na ibabatay na lamang nila sa average water consumption ng customer sa nakalipas na tatlong buwan ang magiging singil sa tubig

Binigyang linaw naman ng Maynilad na naayon naman ito alituntunin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Kasabay nito, una namang inianunsiyo ng Meralco na hindi na rin muna sila magpapadala ng mga meter readers sa mga bahay-bahay habang nagbigay na rin ang Meralco ng isang buwang payment extension sa pagbabayad ng bill ng kanilang customers.