Wednesday, May 8, 2024

Maynilad at Manila Water magbibigay na ng suplay ng tubig

- Advertisement -

Magbibigay na ng suplay ng tubig ang Maynilad sa Manila Water.

Ito’y matapos na pormal na magpasaklolo ang Manila Water sa Maynilad para tugunan ang kanilang problema sa kakulangan sa suplay ng tubig.

Ngunit ayon kay Maynilad Water Supply Operations Head Ronald Padua, sa Abril pa nila mahahatian ang Manila Water sa alokasyon ng tubig mula Angat Dam.

Nabatid na nasa 50 milyong litro o 250,000 na drum ng tubig kada araw ang planong ibigay na babayaran naman sa kanila ng Manila Water.

Nasa 50,000 kabahayan umano sa loob ng isang araw ang kaya nitong masuplayan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img