May tatlong water impounding dam ang Baguio Water District sa loob mismo ng Busol Watershed – Mayor Benjamin Magalong

0
5
(Photo courtesy of Mika Cervantes)

Si Mayor Benjamin Magalong ang nagpahayag na may tatlong water impounding dam sa loob ng Busol Watershed. Ang naturang water impounding dam ay magagamit sa panahon ng tagtuyot bilang tulong sa mga nangangailangan ng tubig sa kalapit lugar doon.

May tatlong rain water impounding facilities ang Busol Watershed, ang isa rito ay tila mayroong leak at ang pangatlo naman ay kasalukuyan pang ginagawa ng contractor. Habang ang naunang water impounding dam ay may diumano’y slippage. Kapag naayos ang mga ito, ang tubig na naimbak ay sasailalim sa filteration at erosion process nang sa gayon ay maari na itong mainom o sa madaling salita, sa wikang English ay potable.

Ang Baguio Water District ang siyang namamahala sa tatlong rain water impounding facilities at maging buong kabuan ng Busol Watershed. Sa katunayan anya, may mga security personnel ang Baguio Water District na nagbabantay sa naturang watershed upang itaboy ang mga nagbabalak na pumasok roon upang magtayo ng struktura. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply