Monday, May 6, 2024

May parusa ang sinumang pasyente na magtatago ng impormasyong may kinalaman sa COVId-19 —Nograles

- Advertisement -

Mahaharap sa kaukulang parusa ang sinumang pasyente na magtatago ng impormasyong may kinalaman sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang binigyang diin ni IATF Spokesman at Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles, kaugnay ng mga balitang hindi inilalahad ng ilang mga pasyente ang mga impormasyon gaya na lamang ng direct exposure sa mga nag positibo sa sakit, at travel history.

Dahil dito, nabatid na may ilang health workers ang tinamaan ng virus.

Ayon kay Nograles, kalusugan ng publiko ang posibleng malagay sa kapahamakan nang dahil lamang sa mga simpleng impormasyon na itinatago ng mga pasyente.

Sinabi ni Nograles, sa ilalim ng Republic Act 11332 o ang mandatory reporting of notifiable diseases and health events of public health concern act, hind pu-puwedeng magtago ng impormasyon o magsinungaling ang isang pasyente lalo na’t nasa state of calamity ang bansa.

Sa ilalim ng batas, nasa P20,000 hanggang P50,000 ang multa, o pagkakakulong ng hindi babab sa isang buwan hanggang anim na buwan ang parusang maaring kaharapin ng mga mapatutunayang may paglabag.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img