Thursday, May 16, 2024

Matagumpay ang pagbubukas ng unang araw ng Mangan Taku 2024 sa Rose Garden, Burnham Park, Baguio City

- Advertisement -

Baguio City – Nagbukas na ang Mangan Taku na ito ay dinaluhan ng maraming tao na nagmula sa lokal na gobierno, sa iba’t ibang local government units dito sa rehion Cordillera at maging sa academia.

Tuwang tuwa na tinanggap ni DOT-CAR Regional Director Jovi Ganongan ang mga nagsipagdalo nagmula sa malalayong lugar sa rehion Cordillera upang saksihan ang Cordillera food festival.

May mga 33 booth nag-aaalay ng kanilang natatanging lutuing Cordillera at maging ng kanilang katutubong alak. Narito ang ilan sa mga kaganapan na mangyayari sa loob ng limang araw na pagtatanghal ng Mangan Taku 2024.

Noong nakaraang araw ng Jueves, Abril 25, nagkaroon ng cook fest na nag-umpisa ng alas 10 ng umaga.

Nung sumunod na araw ng Biernes, Abril a 26, nagkaroon ng Cordillera Wines Mixology, nag-umpisa ito ng alas dos ng hapon.

Noong Abril 27 naman ang Provincial Hours na matatawag. Nagsisimula ito ng alas 10 ng umaga, ang Abra; Alas 2 ng hapon, ang Apayao; at Alas 4 ng hapon, ang Benguet.

Habang noong Sabado, Abril 28, ang Ifugao sa oras na alas 10 ng umaga; Alas 2 ng hapon ang Kalinga; at sa alas 4 ng hapon ang Mt. Province.

Magtatagal ang Mangan Taku 2024 hanggang ngayong araw, Lunes, Abril 29 ng taong ito. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: DOT-CAR)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -