Mataas na bilang ng mga nawalan ng trabaho sa US dahil sa COVID-19 naitala

0
23

Naitala sa Estados Unidos ang pinakamaraming bilang ng mga nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa ulat ng US labor department nasa 20.5-M trabaho ang apektado ng COVID-19 pandemic sa Amerika simula noong buwan ng Abril.

Anila, katumbas ito ng 14.7% na unemployment rate mula sa 4.4% na unemployment rate noon lamang Marso.

Ito na anila ang pinakamatinding pagbagsak ng ekonomiya’t trabaho sa Amerika simula noong nakaraang siglo o ang tinatawag na “the great depression”.

Sa ngayon, sa Estados Unidos din naman naitala ang pinakamaraming bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo.