Mass testing para sa COVID-19 magsisimula na

0
18

Aarangkada na bukas, Abril 14 ang mass testing ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nilinaw ni Inter Agency Task Force Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang mass testing ay hindi nangangahulugan na lahat ng Pilipino ay isasalang sa pagsusuri kung positibo sa COVID-19.

Magiging maramihan lamang anya ang pag COVID test sa mga vulnerable sa virus tulad ng mga pasyente na nasa ospital lalo na ang matatanda, buntis, PWD.

Kasama rin anya sa mass testing ang mga health workers dahil sila ang pinaka-exposed sa virus at ang mga probable at suspected COVID-19 cases.