Masbate Port binulabog ng pagsabog

0
72

Binulabog ng pagsabog ang Masbate Port sa Masbate City kaninang bandang alas-12:30 ng madaling araw.

Ayon sa ulat, napinsala ng pagsabog ang dalawang speed boat ng Philippine Coast Guard (PCG) at ang bagong biling rescue boat ng Philippine Army.

Wala namang nasaktan sa nasabing insidente.

Ang blast site ay 100 metro lamang ang layo sa PCG Station sa nasabing lungsod.

Batay sa pahayag ng ilang testigo bago ang pagsabog ay may namataang maliit na motorized banca na paikot-ikot sa lugar.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. —AR

(Ulat ni Aya Yupangco)