Mas maraming kabataan inaasahang boboto ngayong eleksyon

0
54

Inaasahan ng Commission on Elections o Comelec na mas maraming kabataan ang boboto sa May 13 midterm elections.

Ito ayon kay Comelec Spokesman James Jmenez ay dahil sa pagiging aktibo sa social media ng mga kabataan.

Sinabi ni Jimenez na aktibong aktibvo ang mga kabataan online lalo na sa pagpuna at pagre-report ng illegal campaign posters.

Binigyang diin ni Jimenez na dumarami na ang mga kabataang namumulat sa iba’t ibang political activities kaya’t nahihimok na ang mga itong makiisa sa mga pagtalakay sa mga nasabing usapin.

Kasabay nito, hinimok ni Jimenez ang mga kabataan na piliing mabuti ang mga karapat-dapat na kandidatong makakatulong sa pag-unlad ng sektor ng kabataan.

—-