Mas marami pang protesta ikinakasa sa Hong Kong

0
41

Mas paiigtingin pa umano ang mga protestang ikinakasa sa Hong Kong ngayong linggo.

Kasunod na rin ito ng mapayapang pagkilos ang anti-government demonstrators kahapon sa gitna ng malakas na pag ulan taliwas sa mga mararahas na protesta nitong mga nakalipas na araw.

Ang mga pagkilos ay ibinabala ng Hong Kong authorities na nagbunyag na ilan sa mga raliyista kagabi ay nambato ng mga matitigas na bagay at nang umano ng laser beams sa kanila.

Una nang inihayag ng Hong Kong government na mahalagang maibalik kaagad ang social order para masimulan na rin ang diyalogo sa publiko at matututukan ang pagbabalik ng social harmony kapag kalmado na at normal na ang sitwasyon.