Mas malamig na mga bagon sasalubong sa mga mananakay ng MRT 3

0
18

Mas komportable at mas malamig na mga bagon ang sasalubong sa mga mananakay ng Metro Rail Transit (MRT) line 3.

Ito ay matapos na simulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng mga bagong air conditioning unit sa mga bagon.

Ayon sa DOTr, 33 mga aircon unit ang sinimulan nang ilagay sa mga bagon na bahagi ng 120 aircon unit na ibinili ng contractor na Sumitomo–MHI–tesp.

Matatandaang inilagay na ang unang batch ng aircon unit nitong Agosto ngayong taon.