Mas mainit na panahon asahan sa mga susunod na linggo – PAGASA

0
47

Asahan na ang mas mainit pang panahon sa mga susunod na linggo.

Ayon sa PAGASA, ito ay dahil karaniwang nararanasan ang peak summer season mula sa ikatlong linggo ng Abril hanggang ikalawang linggo ng Mayo.

Batay anila sa kanilang record, sa mga nabanggit na panahon naitatala ang pinakamataas na temperatura sa bansa.

Samantala, naitala naman sa Dagupan city sa Pangasinan ang pinakamataas na heat index kahapon na pumalo sa 48.8 °C dakong alas-2 ng hapon.

Habang nasa 39.6 °C naman ang naramdamang heat index sa Science Garden sa Quezon city at 41.4 °C sa NAIA, Pasay city.

Bukod dito, nasa labing-pitong (17) lugar pa sa bansa ang nakapagtala ng heat index na nasa danger level.