Tuesday, May 7, 2024

Mas maayos na hudikatura sa 2019 nais ni CJ Bersamin

- Advertisement -

Mas maayos na hudikatura ang nais ni Chief Justice Lucas Bersamin sa pagpapasok ng bagong taon.

Ito ang new year message ni Bersamin kung saan tinawag niyang mapanghamon ang taong 2018 matapos patalsikin si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado sa pamamagitan ng quo warranto.

Umaasa si Bersamin na magsisilbing bagong pagkakataon ang susunod na taon para mapahusay pa ang hudikatura pati na rin ang buong bansa.

Umaasa rin si Bersamin na ang mga Pilipino ay magiging instrumento ng panginoon at magiging tulay tungo sa kapayapaan at hustisya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img