Mas agresibong hakbang vs. US warship na naglalalayag sa South China Sea inirekomenda

0
42

Inirekomenda na ng China People’s Liberation Army sa central government ang mas mapangahas at marahas na hakbang laban sa mga u.s. warship na nagsasagawa ng freedom of navigation operations sa South China Sea.

Ayon kay Senior Col. Dai Xu,  People’s Liberation Army-Air Force at pangulo ng Institute of Marine Safety and Cooperation, dapat nang banggain at sagasaan ang mga barkong pandigma ng Amerika na magtatangkang pumasok Spratly Islands.

Sakali anyang magpadala muli ang Estados Unidos ng warship, dapat magpadala ang Tsina ng dalawang (2) barko na haharang at babangga sa mga barkong pandigma ng Amerika.

Iginiit ni Dai na hindi dapat hayaan ng Tsina na lumikha ng kaguluhan ang mga American warship sa pinag-aagawang karagatan dahil makadaragdag lamang ito sa problema.

Binigyang diin ng Chinese military official na hindi dapat makialam ang Amerika sa territorial dispute sa South China Sea dahil hindi naman din nakikisawsaw ang Tsina sa mga military at naval operations ng US sa ibang bansa.