Martsa isinagawa sa Zamboanga bilang pag alala sa ika-5 anibersayo ng SAF44

Martsa isinagawa sa Zamboanga bilang pag alala sa ika-5 anibersayo ng SAF44

by Powered by DWIZ
25 views

Nagsagawa ng forced march ang mga pulis na miyembro ng 5th Special Action Battalion at Police Regional Office Zamboanga Peninsula sa Zamboanga City.

Ito ay bilang pag-alala sa ika-limang anibersaryo ng pagkasawi at kabayanihan ng tinaguriang SAF 44 na nagbuwis ng buhay sa madugong operasyon laban kay Marwan sa Mamasapano Maguindanao noong January 25, 2015.

Sinimulan ang martsa ng mga pulis sa Camp Abendan sa Barangay Mercedes patungong Barangay Zambowood at saka bumalik ng kampo.

Sinundan naman itong isang misa pasasalamat na pinangunahan ng PRO 9 gayundin ng pag-aalay ng bulaklak para sa SAF 44.

0 comment

Related Posts