Monday, May 6, 2024

Martial law sa Mindanao posibleng palawigin — Palasyo

- Advertisement -

Posibleng ikunsider ng Malakanyang ang pagpapalawig sa ipinatutupad na martial law sa Mindanao.

Ito ayon sa Malakanyang ay dahil malaki ang tulong ng batas militar para mapanatili ang kapayapaan sa Mindanao at ma protektahan ang mga sibilyan mula sa mga planong pag-atake ng mga terorista.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, tanggap ng local residents ang martial law subalit hihingi pa rin ng rekomendasyon ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) bago magpasya kung palalawigin pa ang batas militar sa Mindanao.

Ang martial law ay nakatakdang ipawalang bisa sa Disyembre 31, ang ikalawa at dapat na huling extension nang pagpapatupad nito na pinapayagan ng Kongreso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img