Marami sa mga proyekto ng Build,Build,Build program dapat nang alisin

0
11

Marami umano sa mga proyektong nasa ilalim ng “Build, Build, Build” program ng Administrasyong Duterte ay tila masyado nang ambisyoso kaya’t dapat nang alisin.

Iyan ang binigyang diin sa DWIZ ni Senate Committee on Finance Chair at Sen. Sonny Angara makaraang maliitin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Build, Build, Build at tinawag pa itong sablay.

Ayon kay Angara, ang tinutukoy marahil ni Drilon na 75 proyekto ay iyong mga napakalaki at napakakumplikado na mahirap mapondohan gayundin ay umusad sa susunod na mahigit dalawang taon.