AFP handa sa bantang giyera ni Nur Misuari

0
40

Handa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kumasa sa banta ni Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari

Ito’y ayon kay AFP Pubic Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato makaraang ibunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handang bumalik sa digmaan si Misuari sa sandaling mabigo ang gobyerno na maisulong ang pederalismo sa Pilipinas.

Giit ni Detoyato, dapat linawin muna ni Misuari kung sino ang kanyang gigiyerahin dahil halos lahat na aniya ng mga taga-Mindanao ay handa nang yakapin ang binuong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sakaling ituloy ni Misuari ang kanyang banta, sinabi ni Detoyato na hindi lamang ang pamahalaan ang tiyak na makakaaway ni Misuari kung hindi ang buong Mindanao na sumusuporta sa kapayapaan.

—-