Manila PIO nilinaw na ‘detachable’ ang krus ng Nazareno

0
19

Nilinaw ng Manila Public Information Office (PIO) na “detachable” o nakakalas ang krus ng imahen ng Itim na Nazareno.

Ito ang binigyang diin ng Manila-PIO matapos na mapaulat na nabali ang krus ng Poong Itim na Nazareno habang pakanan ang prusisyon sa bahagi ng Hidalgo Street.

Sa isang tweet, humingi ng paumanhin ang Manila-PIO kaugnay sa una nitong pahayag na nabali ang krus kung saan na-misinterpret lang umano nila ang larawan na ipinadala ng isang photographer kung saan makikita na ‘tila bali ang krus ng Poong Nazareno.

Gayunman, tiniyak naman ng Manila-PIO na hindi na mauulit ang pangyayari, at hindi na sila maglalabas ng pahayag ng walang kaukulang impormasyon.