Manila Bay Watch Patrol inilunsad ng DENR

0
47

Inilunsad ng DENR o Department of Environment and Natural Resources ang Manila Bay Watch Bike Patrol sa Baywalk sa lungsod ng Maynila bilang bahagi ng isinasagawang rehabilitasyon dito.

Ayon kay DENR National Capital Region Executive Director Jacquelyn Caancan, anim na bisikleta ang gagamitin ng mga patroller na empleyado rin ng ahensiya.

Magpapatrolya aniya ang mga ito sa kahabaan ng baywalk mula sa bahagi ng US Embassy hanggang Manila Yacht Club para matiyak ang kalinisan at kaayusan sa lugar.

Dagdag ni Caancan, maaaring gawing sumbungan ang mga bike patrollers ng publiko kung may reklamong may kaugnayan sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Sisitahin din ng mga ito ang mga lumalabag sa umiiral na ordinansa sa lugar tulad ng pagtatapon ng basura kung saan-saan at paglangoy sa Manila Bay.