Manila bay rehab project umarangkada na

0
53

Umarangkada na ang Manila bay rehabilitation project.

Dakong ala singko ng madaling araw nang magsimula ang rehabilitasyon sa pamamagitan ng isang seremonya sa Quirino Grandstand sa Luneta, Maynila.

Pinangunahan ni Environment Secretary Roy Cimatu ang aktibidad kasama sina Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, Public Works Secretary Mark Villar, acting Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio at Metropolitan Manila Development Authority Chairman Danilo Lim.

Nasa 5,000 volunteers naman ang lumahok sa solidarity walk na sinundan ng paglilinis  sa baywalk area.

Kasabay nito, naglunsad din ng clean-up activities sa Bulacan, Pampanga at Bataan.

Samantala, ipinasara rin ang tatlong establisyimento kabilang ang Aristocrat Restaurant na nadiskubre na walang Waste Water Facility treatment kung saan ang kanilang mga dumi na inilalabas ay diretso ang tapos sa dagat ng Manila Bay.