28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Manhunt operations laban kay Drug Kingpin Peter Lim ikinasa na

- Advertisement -

Kapwa tinutugis ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation ang hinihinalang drug kingpin na si Peter Lim.

Ayon kay Senior Supt Bong Durana, Spokesman ng PNP, mayroon na silang tracker teams na tumutugis kay Lim matapos ipag utos ng Makati RTC Branch 65 ang pagpapa aresto sa negosyante.

Umapela sa publiko si Durana na ipagbigay alam sa otoridad sakaling mayroon silang impormasyon sa kinaroroonan ni Lim.

Samantala, inatasan na ng NBI ang lahat ng NBI directors ng ipagpatuloy ang pagtugis kay Lim sa mga nasasakupan nilang lugar.

Kasama ni Lim sa kaso sina Kerwin Espinosa, Marcelo Adorco at Ruel Malindangan.

Sa naturang kaso. sinabing si Lim ang pinagmulan ng illegal drugs na ibinebenta ng Espinosa Group sa regions 7 at 8.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -