28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mangudadatu nanawagang ipatigil ang operasyon vs. BIFF sa Maguindanao

- Advertisement -

Nanawagan si Maguindanao Representative Esmael Toto Mangudadatu kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang isinasagawang operasyon ng militar laban sa BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa kanilang lalawigan.

Sa kanyang ipinadalang liham sa Malakanyang, binigyang diin ni Mangudadato na marami sa kanyang mga kababayan ang naaapektuhan ng nagpapatuloy na bakbakan doon.

Apektado na rin aniya ang ilang mga negosyo at mga pananim sa ikinakasang operasyon ng militar.

Hinimok din ni Mangudadatu ang pangulo na paki-usapan na lamang ang MILF o Moro Islamic Liberation Front na mamagitan sa isang diyalogo lalu’t humihina na rin aniya ang puwersa ng BIFF.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -