Mambabatas tutol sa pagtatalaga ng bagong NFA administrator

0
46

Tutol si Kabataan Party-list Representative Sarah Elago sa pagtatalaga sa magreretirong army chief bilang bagong National Food Authority (NFA) administrator.

Ayon kay Elago, kritikal ang nasabing posisyon kaya’t hindi dapat ipaubaya sa kamay ng isang sundalo ang problema sa supply ng bigas.

Ang mga sundalo aniya ay karaniwang kalaban ng mga magsasaka at katutubo sa mga kanayunan na siya ring utak ng militarisasyon at food blockade sa mga lalawigan.

Dahil dito, Sinabi ni Elago na hindi solusyon sa kakulangan sa supply ng bigas ang pagtatalaga kay Army Chief Lt. Gen Roland Jose Bautista na una nang inalok ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang NFA administrator kapag nagretiro na.