31.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Mambabatas iginiit na ang umano’y viral video nila ng isang OFW leader ay matagal na

- Advertisement -

Matagal nang nangyari ang nag-viral na video ng sigawan nina ACTS-OFW Party-list Representative Aniceto “John” Bertiz at United Filipinos in Hong Kong Migrante (UNIFIL-MIGRANTE-HK) chairman Eman Villanueva.

Ayon kay Bertiz, 2015 o 2016 pa nangyari ang naturang video at walang kaugnayan sa isa pang viral video ng umano’y kanyang paglabag sa security protocol at panghaharass sa isang tauhan ng paliparan.

Paliwanag ni Bertiz, pinagtalunan nila ni Villanueva sa naturang video ang usapin sa pagtatanggal ng Overseas Employment Certificate (OEC) para sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Iginiit ni bertiz, sa kasalukuyan ay walang gusot sa pagitan nila ni Villanueva.

“Dati pa po yun yung mga usapin sa pagpapatanggal nila ng oec ng mga OFW. Eh hirap na hirap nga tayo sa mga undocumented although we were pushing Department of Labor and Employment (DOLE) na tanggalin talaga ang OEC eh wala naman po tayong paraan during that time I think that was 2015 or 2016 pa nangyari, yung si Ka Emman. atsaka nag-uusap naman po kami nagkita nga po kami sa Hong Kong.” Pahayag ni Bertiz.

(IZ Balita Nationwide Interview)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -