28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Mambabatas humingi ng paumanhin sa viral niyang video sa PRC oath taking

- Advertisement -

Humingi ng paumanhin si ACTS-OFW Party-list Rep. John Bertiz kaugnay sa nag viral na video nito mula sa oath taking ceremony ng Philippine Regulatory Commission (PRC).

Ayon kay Bertiz, biro lamang para sa kanya ang binitiwang pahayag sa oath taking ng mga bagong agricultural at biosystem engineers.

Sa talumpati ni Bertiz, mapapakinggan na tinanong niya ang mga manunumpa kung kakilala ba ng mga ito si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go?

Ngunit nang isagot ng karamihan na hindi nila kilala si Go, ay sinabi ni Bertiz na huwag ng ituloy ang seremonya at huwag ng bigyan ang mga ito ng lisensya.

Kasabay nito ng kaniyang paghingi ng paumanhin, nilinaw din ni Bertiz na walang kinalaman sa kaniyang naging pahayag si Go.

Kumatawan kay Go si Bertiz sa nasabing pagtitipon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -