Maling resulta kay Cong. Yap dahil sa data encoding — Duque

Maling resulta kay Cong. Yap dahil sa data encoding — Duque

by Powered by DWIZ
36 views

Data encoding at hindi test kit ang naging problema sa nagkamaling resulta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kay ACT-CIS Party List Representative Eric Go Yap.

Nilinaw ito ni Health Secretary Francisco Duque III sa gitna na rin ng mga batikos hinggil sa umano’y hindi accurate na test kit na ginamit sa kongresista.

Sinabi ni Duque na pinagsabihan na ang RITM sa nasabing pangyayari na maitururing namang isolated case lalo na’t abala ang staff ng RITM sa COVID-19 test.

0 comment

Related Posts