Maliliit na negosyo aaray sa panukalang 14th month pay – ECOP

0
37

Tiyak na aaray ang maliliit na negosyo sa panukalang bigyan ng 14th month pay ang manggagawa sa pribadong sektor.

Ito ay ayon kay Sergio Ortiz-Luis, pangulo ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP).

Sinabi ni Luis na hindi basta-basta kakayanin lalo na ng mga maliliit na negosyo na matugunan ang 14th month pay ng mga manggagawa nito.

Dahil dito aniya ay posibleng magtaas ng presyo ang mga ito ng kanilang produkto, magkaltas ng sahod o kaya ay magbawas ng tao kapag naaprubahan ang naturang panukala.

Ipinabatid ni Luis na mahalagang malaman ang sasakuping sekto ng panukala at kung may exemption din na ibibigay.

Inihain ni Senate President Tito Sotto ang Senate Bill No. 10, na inaatasan ang mga employer sa pribadong sektor na bigyan ng 14th month pay ang mga empleyado, partikular na ang mga rank-and-file employees, mapa-regular o hindi.