Malasakit Center bill lagda nalang ni Duterte para maging ganap na batas

0
12

Lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maging ganap na batas ang Malasakit Center bill.

Ito ang sinabi ni Senator Christopher ”Bong” Go na siyang may akda ng panukalang batas.

Aniya, layon ng naturang panukalang batas na magkaroon ng Malasakit Center sa mahigit 70 mga ospital sa ilalim ng Department of Health sa buong bansa.

Sa ilalim ng Malasakit Centers matatagpuan na ang mga pangunahing ahensiya ng gobyerno na maaring hingan ng tulong medikal tulad ng Department of Social Welfare and Development, PhilHealth, Pagcor at
PCSO.