Malakas na aftershocks niyanig ang Burdeos, Quezon at ilang parte ng Metro Manila

0
13

Niyanig muli ng malakas na lindol ang bayan ng Burdeos sa lalawigan ng Quezon.

Batay sa datos ng PHILVOCS, naitala ang 4.7 na lindol sa 34 kilometers sa bayan ng Burdeos sa dakong 5:18 ng hapon ngayong Biyernes, Setyembre 13.

Ayon sa PHILVOCS, ito may lalim na 65 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala naman ang Intensity V sa Polilio, Quezon, Intensity IV sa Quezon City, Intensity III sa Jose Panganiban, Camarines Norte; Dingangalan, Aurora; Pasig City, San Juan City, Mandaluyong City at Taguig City. Samantala, Intensity II naman sa Guinayangan, Quezon; Pakil, Laguna; Makati City.