2 patay sa pagdiriwang ng ‘St Patrick’s Day’ sa Northern Ireland

0
59

Dalawang kabataan ang kumpirmadong patay habang mayroon ding mga sugatan sa isinagawang pagdiriwang para sa Saint Patrick’s Day sa isang hotel sa Northern Ireland.

Ayon kay Force Assistant Chief Constable Mark Hamilton, sumugod agad ang pwersa ng pulisya nang makatanggap sila ng ulat na may nangyaring aksidente sa loob ng Greenvale Hotel.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga nasugatan habang ang isa ay nasa kritikal na kalagayan.

Samantala, hindi pa rin matukoy ng mga otoridad ang rason at ang partikular na pangyayari sa likod ng naganap ng aksidente ngunit patuloy na gumugulong ang kanilang imbestigasyon.

Nagpaabot naman na ng pakikiramay si Democratic Unionist Party Leader Arlene Foster para sa pamilya ng mga kabataang nasawi.