27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Malakanyang nanawagan ng pagkakaisa para wakasan na ang pagpatay sa mga lingkod bayan

- Advertisement -

Ipinauubaya na ng Malakaniyang sa pambansang pulisya ang pagsasagawa ng patas at malalimang imbestigasyon sa nangyaring pagpatay kay Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alex Lubigan.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos kundenahin ang panibagong pagpatay sa isang lokal na opisyal sabay pag-aabot ng pakikiramay sa naulilang pamilya nito.

Magugunitang isa si Lubigan sa mga napapatay na lokal na opisyal ngayong buwan sunod kina Tanauan City Batangas Mayor Antonio Halili, General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote at Kapatagan, Lanao Del Sur Councilor Nassif Palawan Bansil.

Sa huli, nanawagan ang Malakaniyang sa publiko na magkaisa upang wakasan na ang mga nakababahalang insidente ng pagpatay sa iba’t ibang opisyal ng pamahalaan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -