Malakanyang nainsulto sa viral video ng isang turistang nagpapadumi sa isang bata sa Boracay

0
44

Nainsulto ang Palasyo sa viral video ng isang turistang nagpapadumi sa isang bata sa Boracay Island.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na panay ang paglilinis ng gobyerno para maayos ang isla subalit nakaka dismayang may mga turistang dinudumihan nito at hindi aniya ito kukunsintihin ng pamahalaan.

Mayroon aniyang mga lokal na ordinansa ang Boracay kaya’t maari ring kasuhan ng administratibo ang turistang nagpapadumi ng bata sa dagat.

Una nang nag viral ang video ng isang turista na sinasabing Chinese na nagpapadumi ng bata habang ang isang turista naman ay nagbabaon ng diaper sa dalampasigan.