Malakanyang mariing kinondena ang kambal na pagsabog sa Sulu

0
46

Nagpahayag ng mariing pagkondena ang Palasyo sa nangyaring twin bombing sa kampo ng militar sa Sulu na ikinasawi at ikinasugat ng ilang katao.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, base sa ulat ng mga otoridad, lumalabas na ang Abu Sayyaf terrorist group ang nasa likod ng nasabing pagpapasabog.

Sinabi ni Panelo, tuloy-tuloy ang gagawing pagtugis ng tropa ng pamahalaan sa teroristang grupo hanggang sa wala na aniyang matatakbuhan ang mga ito.

Siniguro naman ng Palace spokesman na gagamitin ng pamahalaan ang buong pwersa nito upang pulbusin at durugin ang mga kalaban ng estado kabilang na ang kanilang mga taga-suporta upang maramdaman na ang matagal nang inaasam na kapayapaan sa Mindanao.