Malakanyang iginagalang ang desisyon ng Makati City RTC Branch 148 sa kaso ni Trillanes

0
50

Iginagalang ng Malakanyang ang desisyon ng Makati City Regional Trial Court Branch 148 na huwag ipaaresto at hindi magpalabas ng hold departure order laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tulad aniya ng palagi nilang sinasabi, sinusunod ng ehekutibo ang isinasaad ng batas at hindi ito magbabago maging sa nabanggit na kaso.

Dagdag pa ni Panelo, kanilang namang ikinalugod ang ginawang pagkilala ng Makati RTC Branch 148 sa legalidad ng ipinalabas na Proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang bisa sa ibinigay na amnestiya kay Trillanes.

Samantala, ipinauubaya naman ng Malakanyang sa tanggapan ng Solicitor General at Department of Justice na magpasya ng kanilang magiging susunod na hakbang.