Tuesday, May 7, 2024

Malakanyang hinamon ang Vera Files na patunayan ang akusasyon sa Pangulo

- Advertisement -

Hinamon ng Malakanyang ang Vera Files na patunayan ang akusasyon nito na tumatanggap ang Pangulong Rodrigo Duterte ng milyong halaga bilang regalo.

Una nang tinukoy ng Vera Files na may pitong deposit na may kabuuang halaga na P193-M ang pumasok sa joint account ng Pangulo at anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte noong ika-69 kaarawan ng Pangulo noong 2014.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat na maglatag ng ebidensiya ang Vera Files sa akusasyon nito kung hindi ay dapat manahimik na lamang sa halip na manira.

Depensa ni Panelo, anomang regalo o halaga na ipinagkakaloob sa pangulo ay dumidiretso sa Office of the President dahil ang mga ito aniya ay hindi personal bagkus ipinagkakaloob sa gobyerno.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img