35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Malakanyang handang tumulong sa mga NPA na apektado ng COVID-19 crisis —Spox

- Advertisement -

Pinapayuhan ng Malakanyang ang rebeldeng grupo na New People’s Army (NPA) na lumapit sa pamahalaan kung nahihirapan na sa krisis bunsod ng COVID-19.

Ito ay matapos na masawi ang dalawang sundalo sa ginawang pag-atake ng NPA ang tropa ng militar sa Aurora province upang agawin ang ipinamimigay na relief goods ng mga taga-Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, maari naman mag-qualify ang mga ito sa cash subsidy program ng gobyerno gayung wala naman itong mga trabaho.

Ang kinakailangan lang aniyang gawin ng mga ito ay ibaba ang kanilang mga armas at pumila gaya ng lahat ng nangangailangan ng ayuda mula sa gobyerno.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -