Malakanyang dumipensa sa pahayag ng Pangulong Duterte sa pagtanggap ng regalo ng mga pulis

0
45

Idinipensa ng Malakaniyang ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na “okay lang” tumanggap ng regalo ang mga pulis bilang gift o pasasalamat.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo maituturing lamang na suhol ang ibinigay na regalo kung may hininging kapalit.

Kinontra naman ni Panelo ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na nagsisimula sa maliliit na regalo ang kasakiman at mas nakaka adik ito kaysa droga.

Misplaced aniya ang banat ng mga kritiko sa pahayag ng Pangulong Duterte.