Tinututukan na ng Malakanyang ang mga posibleng solusyon na maaring gawin upang maresolba ang mga kinakaharap na problema at pasanin ng mayorya ng mga mahihirap na Pilipino kaugnay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ilan sa mga ikinukonsidera nilang solusyon, ang pagpapatupad ng rice tariffication at pagpapabilis ng implementasyon ng build, build, build program upang mapababa ang transport cost ng mga pangunahing bilihin.
Matatandaang sa 2nd quarter survey ng Social Weather Stations na isinagawa mula June 27 hanggang June 30 ng taong kasalukuyan, lumalabas na 48 percent o 11. 1 million ng mga pamilyang Pilipino ang naniniwalang sila ay mahirap.
Ayon kay Roque, siniseryoso ng palasyo ang resulta ng SWS survey, subalit dapat rin aniyang isaalang-alang ang ilang mga bagay na naging dahilan ng pagtaas ng inflation.