Makina sa paggawa ng pekeng sigarilyo sinira ng BOC

0
17

Winasak ng Bureau of Customs Port of Clark ang ilang makina sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo.

7 unit ng cigarette making machine ayon sa BOC kasama ang isang uri ng plastic recycling machine, isang manual lifter, isang generator set at isang generator cooling system ang pinasagasaan nila sa backhoe.

Ang mga nasabing makina ay narekober nuong Pebrero matapos lumabag sa customs modernization and tariff act.

Ngayong araw na ito nakatakdang sirain ang 2 set ng cigarette manufacturing machines, isang set ng semi-automatic strapping machine, plastic shredding facility, mahigit 100 master cases, packaging materials at tax stamps.