27.8 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Makati RTC hindi pa nagpalabas ng warrant of arrest laban kay Trillanes

- Advertisement -

Hindi pa rin nagpalabas ng arrest warrant ang korte laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Kasunod ito nang ginawang pagdinig ng Makati RTC Branch 148 sa petisyon ng Department of Justice (DOJ) na humihiling ng agarang pagpapalabas ng arrest warrant at hold departure order laban sa senador.

Sa naturang pagdinig, hiniling ng kampo ni Trillanes na mabigyan sila ng sapat na panahon para makapagsumite ng rejoinder at dagdag na komento sa mosyon ng DOJ.

Pinagbigyan naman ng korte ang nasabing hiling ni Trillanes na binigyan ng sampung araw para magsumite ng rejoinder at supplemental comments.

Mayroon namang limang araw ang DOJ para tumugon sa ihahaing supplemental comments ng senador.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -