29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Makati pasok sa top 6 finalists ng World Smart Cities Awards

- Advertisement -

Pasok ang Makati City sa top 6 finalist para sa World Smart Cities Awards sa kategoryang ‘Innovative Idea’ na ginanap sa Barcelona, Spain.

Binigyang pagkilala dito ang pagsusulong ni Makati City Mayor Abby Binay ng paggamit ng teknolohiya para mapagbuti ang paghahanda sa kalamidad at komunikasyon sa lungsod.

Ipinagmalaki naman ni Binay ang pangunguna ng Makati City para sa sustainable, innovative at ligtas na kinabukasan sa buong Pilipinas.

Tanging ang Makati City lamang din ang lungsod na nagmula sa Southeast Asia na nakapasok sa nabanggit na kategorya.

Kasama ng Makati City sa top 6 smart cities ang Bonn, Germany; Barcelona, Spain, Pretoria, South Africa; Dubai, UAE; Bishkek, Kyrgyztan at Vadodara, India.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -