Tuesday, May 7, 2024

Makasaysayang Balangiga Bells ibabalik sa orihinal na puwesto nito

- Advertisement -

Ibabalik ng Parokya ng Balangiga sa orihinal na puwesto nito ang Balangiga Bells.

Ayon kay Father Lentoy Tybaco, parish priest ng San Lorenzo Martyr Parish Church, isinasaayos na ang renovation ng lumang tore kung saan orihinal na nakalagay ang mga makasaysayang kampana.

Sa ngayon, isa anya sa Balangiga Bells ang kanilang pinatutunog para pantawag sa mga mananampalataya para sa Misa de Aguinaldo tuwing madaling araw.

Sinabi ni Father Lentoy na nagtalaga na rin silang officers of the day para magsilbing guide ng mga nagnanais na makita ang Balangiga Bells.


Samantala, tumanggi ang parish priest ng Balangiga na pag-usapan pa ang di umano’y pagpapaalis sa mga pari sa programang dinaluhan ng Pangulong Rodrigo Duterte nang ibalik ang Balangiga Bells.

Ayon kay Father Lentoy Tybaco, parish priest ng San Lorenzo Martyr Parish Church, ang mahalaga ay naging maganda ang kinalabasan ng programa para sa pagbabalik sa kanila ng makasaysayang mga kampana.

Ipinaliwanag ni Tybaco na tila bahagi ng programang inihanda ng organizers na walang pari sa ikalawang bahagi ng programa.

Gayunman, wala naman anyang umalis na pari at nanatili sila sa loob kung saan nagtungo pa ang pangulo upang sila ay kamayan.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img