28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Maine Mendoza inaming exclusively dating na sila ni Arjo Atayde

- Advertisement -

Inamin na ni phenomenal star Maine Mendoza na nakikipag-date siya sa aktor na si Arjo Atayde.

Ayon sa PEP, ginawa ni Maine ang pag-amin sa kanyang ipinost na blog kahapon.

Bagama’t hindi na ma-access ngayon araw ang nasabing blog, nakakuha ng kopya nito ang pep kung saan pinatotohanan ni maine ang una nang inamin ni Arjo na exclusively dating na silang dalawa.

Sinabi pa ni Maine na madalas silang lumalabas ni Arjo para mas makilala niya ito ng mabuti.

Pag-amin pa ng phenomenal star, nakilala na rin ng kanyang pamilya si Arjo na pinakaunang lalaki raw na kanyang ipinakilala sa kanyang mga magulang.

Biro pa ni Maine, binalaan pa aniya ng kanyang parents si Arjo na papatayin kung sasaktan siya nito.

Magugunitang nitong Enero, unang inamin ni Arjo na exclusively dating na sila ni Maine matapos namang magkasama sa isang pelikula sa MMFF.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -